Posts

Ang The Hows Of Us ay isang gumagalaw na kwento tungkol sa kahirapan at kaginhawaan ng mga relasyon sa totoong buhay. Si George (Kathryn Bernardo) ay isang mag-aaral na Pre-Med noong una niyang makilala si Primo sa isang debate sa kolehiyo. Dahil sa nagustuhan sya ni Primo ay ‘di kalaunan niligawan nya si George, pinatuyan ni Primo ang kanyang sarili kay George at sa Tita Lola at sa pamilya nito ang kanyang pagpupursige at ang mga gusto nya sa buhay na ikinahulog naman ng loob ni George kay Primo. Sabay silang dalawang nangarap, si George na gustong maging Doctor at si Primo na man na maging tanyag na Musikero, Nangako silang dalawa na su-suportahan nila ang isa’t-isa. Nang mamatay ang tita lola ni George ipina-mana sa kanilang dalawa ang bahay neto. Noong Una ay maayos naman ang kanilang pagsasama, ng tagal ‘di na naging maayos. Wala ng papatungohan ang pagba-banda ni Primo na naka epekto naman sa pagdo-doktor ni George. Isang gabi hindi na nakayanan ni George ang hirap sumabog ang em...